Wednesday, March 14, 2012

Totohanan na 'to.


Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko maovercome ang pagiging late at minsan pagiging pasaway ko; nachichismis tuloy ako.


Naaasar ako kasi pinapalabas ko na wala akong pakialam at di ako naapektuhan ng chismis, kahit sa loob loob ko, nasasaktan ako


Nayayabangan ako sa sarili ko kasi kahit di pa man napapansin ng iba, alam ko na mali ko, at may kagustuhan akong ipaliwanag at humingi ng paumanhin pero nauunahan ako ng takot at pride.


Nahihiya ako kasi parang wala kong sense of loyalty kahit di lang alam ng mga tao kung gaano ko kaayaw ng paiba-iba.


Napapaisip ako kung tama bang iiwan ko to, kasi ang babait ng halos lahat ng tao dito, lalo na mga boss. Tao ka kung ituring, may respeto, may konsiderasyon, may malasakit.


Naprapraning ako kasi panibagong pakikisama na naman ang tatahakan ko; paano 'pag puro weirdo at bwisit mga tao sa lilipatan ko at hindi ko sila ma-take.


Nae-emo ako dahil mamimiss ko ang lunchouts, coffeebreaks, dinner at inuman, asaran at ang walang kamatayang Pinoy Henyo na paborito nating nilalaro.


Nalulungkot ako kasi aalis na ko, kahit dito ko natutunan na POSIBLE palang makahanap ng MASAYANG SAMAHAN at TOTOON G PAGKAKAIBIGAN sa opisina.


Nandidiri ako kasi para kong tanga, na-attach na ko sa mga hinayupak na kaopisina ko kahit wala silang ibang ginawa kungdi mang-asar at mang-bully.


Nanghihinayang ako kasi kahit ang saya ng pagkakaibigan dito, kahit di man aminin, pag umalis na ko, mababawasan at mababawasan yun.


Natatakot ako kasi baka hindi ko to mapanindigan; baka hindi ko majuggle ang trabaho sa umaga at pagaaral ng law sa gabi.


Nabwibwisit ako dahil sinisira ang pagdradrama ko ng kirot ng bwisit na puson na to, HASSLE it's that time of the month. 


Nasasaktan na ko, LITERALLY, lumelevel-up na ang kirot, kaya kailangan ko na itigil 'tong pangungumpisal na to pero may kailangan pa kong ipahabol.


Nagpapasalamat ako, ng sobra sobra sobra, kasi kungdi dahil sa leniency ng trabahong to, hindi ko mababantayan Lola ko sa ospital, hindi ako nagkaron ng privilege na alagaan at paglingkuran siya sa huling 2 buwan ng buhay niya. Buong buhay ko yung ipapagpasalamat.



Started: 2003H, March 14, 2012, Wednesday
Finished: 2031H, March 14, 2012, Wednesday



No comments:

Post a Comment